MGA PANGULO NG PILIPINAS AT KANILANG MGA NAGAWA

1 Noynoy Aquino - Talambuhay at Mga Nagawang Programa (Tagalog) 2 ... o Sumapi sa samahang Masonry (na kinabibilangan ri...

53 downloads 696 Views 547KB Size
MGA PANGULO NG PILIPINAS AT KANILANG MGA NAGAWA 1 Noynoy Aquino - Talambuhay at Mga Nagawang Programa (Tagalog) 2

Gloria Macapagal Arroyo - Talambuhay at Mga Nagawang Programa (Tagalog)

3 Joseph Estrada - Talambuhay at Mga Nagawang Programa (Tagalog) 4 Fidel Ramos - Talambuhay at Mga Nagawang Programa (Tagalog) 5 Corazon Aquino - Talambuhay at Mga Nagawang Programa (Tagalog) 6 Ferdinand Marcos - Talambuhay at Mga Nagawang Programa (Tagalog) 7 Diosdado Macapagal Talambuhay at mga Nagawang Programa (Tagalog) 8 Carlos P. Garcia - Talambuhay - Mga Nagawa 9 Ramon Magsaysay - Talambuhay | Mga Nagawa | Programa 10 Elpidio Quirino - Talambuhay | Mga Nagawa | Programa 11 Manuel Roxas - Talambuhay | Mga Nagawa | Programa 12 Sergio Osmena - Talambuhay | Mga Nagawa | Programa 13 Jose P. Laurel - Talambuhay | Mga Nagawa | Programa 14 Manuel L. Quezon - Talambuhay | Mga Nagawa | Programa 15 Emilio Aguinaldo - Talambuhay | Mga Nagawa | Programa

Emilio Aguinaldo

Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 12, 1898 - Marso 23, 1901

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Marso 26, 1869 Lugar na sinilangan: Kawit, Cavite Ama: Carlos Aguinaldo Ina: Trinidad Famy Unang maybahay: Hilaria del Rosario Ikalawang maybahay: Maria Agoncillo Araw ng kamatayan: Pebrero 6, 1964 Lugar kung saan namatay: Quezon City Sanhi ng kamatayan: Atake sa puso Edad nang mamatay: 95

Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan Pambayang Paaralan ng Kawit Kolehiyo Ikatlong taon, Colegio de San Juan de Letran

Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad o o o o o o o o o o o

o o o o

o o o o

Itinanghal na “Cabeza de Barangay” sa gulang na 17. Sa edad na 26 ay nahalal bilang “Capitan Municipal” na ang katumbas ng posisyon ay Gobyernadorcillo. Sumapi sa samahang Masonry (na kinabibilangan rin ni Jose Rizal, Apolinario Mabini, Juan Luna, Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena) sa layuning mapabuti ang kalagayan ng bayan. Siya ang kusang nagsadya kay Andres Bonifacio upang sumanib sa Katipunan. Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa Cavite. Pinangunahan ang kanyang mga lawal sa pagkakapanalo sa mga labanan ng Kawit, Imus at Binakayan sa Cavite. Pangulo ng Pamahalaang rebolusyonaryo, Kapulungang Tejeros. Sumang-ayon sa kasunduan sa “pact of Biak-na-Bato” na nilagdaan nya noong Disyembre 14, 1897 dahil sa paniwalang hindi na mapagtatagumpayan ang digmaan. Pumayag sa kusang loob na pagkakatapon sa Hongkong kapalit ng bayad-pinsala (sinasabing P 400,000.00) na ginamit nman nya sa pagbili ng mga armas na inilaan sa pagbabalik sa bansa. Sa pagsiklab ng digmaang Estados Unidos at Espanya noong Abril 1898 ay nakipagkasundo kina Commodore George Dewey ay U.S. Consul Pratt na pagsanibin ang Hukbong Amerikano at Pilipino laban sa mga Kastila. Nagbalik sa bansa noong Mayo 19, 1898 at iprinoklama ang kasarinlan nito noong Hunyo 12, 1898. Si Emilio Aguinaldo mismo ang nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na iwinagayway sa balkonahe ng kanyang bahay sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Pinanguluhan ang Pamahalaang Rebolusyunaryo makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899. Naglaho ang pangarap ni Emilio Aguinaldo na makapagsarili at mapalaya ang bansa sa kamay ng mga Amerkano nang madakip ni Heneral Frederick Funston at ng mga tauhan nito sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901. Napilitang manumpa ng Katapatan sa pamahalaang Amerkano noong Abril, 1901. Nagretiro sa pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang maitatag ang pamahalaang kolonyal ng Amerika. Tumakbo bilang pangulo sa isang halalang pampanguluhan noong 1935 ngunit natalo siya ni Manuel L. Quezon. Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang samahan ng mga lumalaban sa mga Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng benepisyo.

Manuel L. Quezon Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas Nobyembre 15, 1935 - Agosto 1, 1944

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Agosto 19, 1878 Lugar na sinilangan: Baler, Tayabas Ama: Lucio Quezon Ina: Maria Dolores Molina Maybahay: Aurora Aragon Mga anak: Maria Aurora, Zenaida at Manuel, Jr. Araw ng kamatayan: Agosto 1, 1944 Lugar kung saan namatay: Saranac Lake, New York, U.S.A. Sanhi ng kamatayan: Tuberkulosis Edad nang mamatay: 66

Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan Colegio de San Juan de Letran (1894) Kolehiyo Batsilyer ng Sining, Colegio de San Juan de Letran (1894) Batsilyer ng Abogasya, University of Santo Tomas

Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad o

Binansagang “Ama ng Wikang Pambansa” dahil sa pagsusulong sa Wikang Filipino bilang pambansang wika

o

Namasukan bilang katulong ni Rev. Father Teodoro Fernandez, sa simbahan sa Intramuros.

o

Nagtapos ng Batsilyer ng Sining sa Colegio de San Juan de Letran sa edad na 16.

o

Nagsimula siyang magpraktis ng batas noong 1903.

o

Nahalal na gobernador ng Tayabas (Quezon ngayon) noong 1905

o

Hindi siya minsan man nakalasap ng pagkatalo sa pulitika.

o

Naging miyembro ng kauna-unahang Philippine Assembly noong 1906.

o

Bilang resident commissioner sa U.S. Congress (1909-1916) ay mahigpit niyang ipinaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas.

o

Nagkaroon ng designasyong tenyente, kapitan at major sa hukbo noong Rebolusyon ng Pilipinas at Digmaang Pilipino-Amerikano.

o

Naglingkod siya sa ilalim ng pamumuno ni Hen. Emilio Aguinaldo at Hen. Tomas Mascardo.

o

Kumatawan sa Pilipinas sa International Congress of Navigation sa St. Petersburg, Russia noong 1908.

o

Pinuno ng Mayorya ng Kapulungan, Unang Asembleya ng Pilipinas.

o

Umuwi mula Estados Unidos matapos masiguro ang pagkakapasa ng Jones Law noong 1916, ang batas na nagsasabing pagkakalooban ng kasarinlan ang Pilipinas kung mapatutunayan ang kakayahan na magpatakbo ng sariling pamahalaan.

o

Naging Pangulo ng Senado noong 1923.

o

Tiniyak na maipasa ang Tydings-Mcduffie Law na nagtatadhana sa 10 taong paghihintay para sa kasarinlan ng Pilipinas at nagpapahintulot ng pagdaraos ng Constitutional Convention.

o o

Nahalal na Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong Setyembre 17, 1935.

o

Kauna-unahang pinunong Pilipino na tumira sa Palasyo ng Malacañang.

o

Pinasimulan ang opisyal na pagtatalaga ng pambansang wika sa Batas Komonwelt bilang 570.

o

Makaraan ang pananakop ng mga Hapones noong World War II, tumakas patungong Estados Unidos kung saan pinamahalaan ang pamamalakad sa Pilipinas hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

o

Ang Quezon City at Quezon Province ay ipinangalan sa kanya bilang pagkilala sa kanyang kadakilaan.

o

Ayon kay Quezon ay nanaisin pa niya ang isang mala-impiyernong pamahalaang pinatatakbo ng mga Pilipino kaysa isang langit na pamahalaan ngunit pinamumunuan ng mga dayuhan.

Jose P. Laurel Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas Oktubre 14, 1943 - Agosto 15, 1945

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Marso 9, 1891 Lugar na sinilangan: Tanauan, Batangas Ama: Sotero Laurel Ina: Jacoba Garcia Maybahay: Prudencia Hidalgo Mga anak: Jose II, Jose III, Sotero Laurel, Natividad, Rosenda, Potenciana, Mariano, Salvador at Arsenio Araw ng kamatayan: Nobyembre 6, 1959 Lugar kung saan namatay: Maynila Sanhi ng kamatayan: Atake sa puso Edad nang mamatay: 68

Edukasyon     

Elementarya at Mataas na Paaralan Mataas na Paaralan ng Tanauan Colegio de San Juan de Letran Manila High School

Kolehiyo o o o o

Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Pilipinas (1915) Dalubhasa ng Abogasya, Escueta de Derecho (1919) Doktor ng Abogasyang Sibil, Yale University, United States (1920) Doktor ng Pilosopya, University of Santo Tomas (1936)

o

Doktor ng Abogasya, Tokyo Imperial University, Tokyo, Japan (1930)

Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad o

Sa kabila ng pagiging ilustrado at kakayahang lumikas noong Panahon ng Hapon, pinili niyang harapin ang pagsubok na dumating sa bansa.

o

Inatasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na makipagkasundo sa mga Hapones sa layuning mailigtas ang mga kababayan.

o

Pinaratangang collaborator, taksil sa bayan at maka-Hapon.

o

Manananggol ng kanyang amang si Sotero Laurel at naging kagawad rin ng Kongreso sa Malolos sa panahon ng himagsikan.

o

Nagtamo ng pangalawang pinakamataas na marka sa Philippine Bar nang kumuha ng pagsusulit.

o

Naging propesor nya sa kursong abogasya si U.S. Supreme Court Chief Justice at naging pangulo ng U.S. Howard Taft.

o

May-akda ng aklat tungkol sa batas, ang Constitutional Law of the Philippines.

o

Naging pansamantalang Chairman ng Constitutional Convention bago nahalal ang naging pangulo nito na si Claro M. Recto.

o

Kabilang sa tinaguriang Seven Wise Men na nagsusuri sa ginagawang Saligang Batas.

o

Naging Pangalawang Kalihim at nang maglaon ay Kalihim ng Panloob noong 1922.

o

Naging Katulong na Mahistrado, Korte Suprema noong 1936.

o

Namahayag sa kongreso para sa kapakanan ng interes ng mga Hapon pagbalik galing sa Tokyo Imperial University sa Japan.

o o

Naging Pangulo ng Japanese Sponsored Philippine Republic noong panahon ng pananakop ng Hapon.

o

Ipinadakip ni Heneral Douglas McArthur sa salang Collaboration kaya ipiniit sa Sugamo Prison malapit sa Tokyo, Japan.

o

Nilitis kasama ang ilan pang Pilipinong pinaghinalaang nakipagtulungan sa mga Hapon ng isang Hukuman ng Taumbayan nang muling maibalik ang pamahalaang Komonwelt.

o

Nanguna sa dalawampung kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng pamamahala ni Quirino.

o

Hinirang siya ni Pangulong Magsaysay na pamunuan ang Economic Mission kung saan nabuo ang Laurel-Langley Agreement, isang kasunduang pangkalakalan.

o

Naging Chancellor ng National Teachers College at nagtatag ng National Economic Development Authority.

o

Nagtatag ng Lyceum ng Pilipinas sa Intramuros at ng Philippine Banking Corporation.

Sergio Osmena Pangalawang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas Agosto 1, 1944 - Mayo 8, 1946

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Setyembre 9, 1878 Lugar na sinilangan: Cebu City Ina: Juana Suico Unang maybahay: Estefania Chiong Veloso Ikalawang maybahay: Esperanza Limjap Mga anak kay Estefania Veloso: Vicente, Edilberto, Nicasio, Milagros, Emilio, Teodoro, Jose at Sergio, Jr. Mga anak kay Esperanza Limjap: Ramon at Rosalina. Araw ng kamatayan: 1961 Lugar kung saan namatay: Veteran’s Memorial Hospital, Quezon City Edad nang mamatay: 83

Edukasyon 

Elementarya at Mataas na Paaralan



Pribadong Paaralan ni Manuel Logarta.



Semenaryo ng San Carlos.

Kolehiyo 

Batsilyer ng Sining, Colegio de San Juan de Letran (1894)



Batsilyer ng Abogasya, University of Santo Tomas (1903)

Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad 

Nagtatag at namatnugot, katulong sina Jaime de Veyra at Rafael Palma ng isang pahayagang makabayan.



Naging kaklase niya sa University of Santo Tomas sina Manuel Quezon at Emilio Jacinto.



Pangalawang pinakamataas na pumasa sa pagsusulit ng Bar Examinations noong 1903.



Nagsilbing Acting Governor ng Cebu (1903) sa edad na 25 kahalili ni Juan Climaco.



Hinirang na Panlalawigang piskal ng Cebu.



Nanalo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu sa Unang Asembleya ng Pilipinas noong 1907 kung saan nahalal siyang ispiker na hinawakan niya sa loob ng 15 taon.



Isa sa tagapagtatag ng kilalang partido. Ang Partido Nacionalista at naging una nitong pangulo.



Nahalal na senador noong 1922.



Kasama si Manuel Roxas ay sinikap nilang mapagtibay ng Pamahalaang Amerikano ang isang Constitutional Convention na magbibigay daan sa kasarinlan ng Pilipinas.



Natamo ang batas ukol sa Kasarinlan, ang Hare-Hawes-Cutting mula sa Kongreso ng Estados Unidos.



Naging Pangalawang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935.



Nagtungo sa Estados unidos kasama si Quezon upang itatag ang Komonwelt ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Hapon.



Tumayong kahalili ni Quezon sa karamihan ng pagkakataon habang ang Pangulong Quezon ay nagkasakit ng Tuberculosis.

 

Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1944 nang mamatay si Pangulong Manuel L. Quezon.



Ang pinakamatandang naging pangulo ng Pilipinas sa edad na 67.



Kasama sa makasaysayang paglunsad sa Red Beach, palo, Leyte nina Heneral MacArthur at ang mga Pilipinong heneral na sina Carlos P. Romulo at basilio Valdez noong Oktubre 20, 1914.



Nagretiro sa pribadong buhay sa Cebu makaraang maitatag ang ikatlong Republika ng Pilipinas.

Manuel Roxas Huling Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas Unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Mayo 28, 1946 - Abril 5, 1948

Mga Personal na Tala sa Buhay ni Manuel Roxas Araw ng pagkasilang: Enero 1, 1892 Lugar na sinilangan: Capiz Ama: Gerardo Roxas Ina: Rosario Acuña Maybahay: Trinidad de Leon Araw ng kamatayan: Abril 15, 1948 Lugar kung saan namatay: Angeles City, Pampanga Sanhi ng Kamatayan: Atake sa puso Edad nang mamatay: 56

Edukasyon     

Elementarya at Mataas na Paaralan Pampublikong Paaralan ng Capiz Kolehiyo ng Saint Joseph sa Hongkong Mataas na Paaralan ng Maynila (1910)

Kolehiyo Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Pilipinas

Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad                          

Naging topnotcher sa Bar examination noong 1913. Nagtrabaho bilang personal na kalihim ng Kataas-taasang Hukom Cayetano Arellano. Naging pambayang konsehal ng Capiz. Nagturo ng Abogasya sa Philippine Law School at National University. Nahalal na gobernador ng Capiz nong 1919. Hinirang na chairman sa Kumbensiyon ng mga Gobernador-panlalawigan. Kumandidato at nanalong kongresista ng Capiz noong 1922. Naging ispiker ng Kapulungan ng mga kinatawan noong 1935. Kasama si Osmeña ay nanguna siya sa isang misyong ukol sa kasrinlan sa Estados Unidos at tinulungan din nina Jorge Jacobo, jayme de Veyra at Catalino Lavandia. Nakamit ng grupo ni Roxas mula sa kongeso ng Estados Unidos ang Hare-Hawes-Cutting Act, ang batas na nagkakaloob ng kasarinlan ng Pilipinas sa loob ng 10 taon. Tinanghal na natatanging kinatawan ng Kapulungang Konstitusyonal noong 1934-1935. Hinirang ni Quezon na maging Kalihim ng Pananalapi. Naging Chairman of the Board of Directors ng National Economic Council. Nanguna bilang senador sa halalan noong 1941. Naglingkod sa Hukbo ng Pilipinas nang sumiklab ang Digmaang Pandaigdig II. Ayuda-de-Kampo kay Hen. Douglas McArthur sa corrigidor. Naging Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong Abril 23, 1946. Naging Pangulo ng Pilipinas sa Panahon ng Pananakop ng mga Hapon. Pinamunuan niya ang Preparatory Commission for Philippine Independence na may layuning himukin ang mga Pilipino na sumuko na at makipagkaibigan na lamng sa mga Hapones. Katulong na bumuo ng Saligang Batas ng Japanese-Sponsored-Philippine Republic. Tinangkang patayin noong Hulyo 5, 1943 ng mga taong galit sa kanya dahil sa pakikipagkaibigan niya sa mga Hapon. Nahuli ng mga kalabang Hapon sa Mindanao at ibinilanggo sa Camp Caisag. Nakipagtulungan sa Estados Unidos para sa gawaing pang-ekonomiya upang maiangat ang kabuhayan ng bansa na sinalanta ng digmaan. Sa ilalim ng kanyang pamamahala nagkarron ng kasunduan tungkol sa Philippine Trade Act of 1946 kung saan nabuo ang malayang pakikipag-kalakalan ng Amerika sa Pilipinas. Agarang nahirang sa tungkulin sanhi ng pagpalit ng uri ng pamamahala mula Komonwelt tungo sa Republika.

Elpidio Quirino Ang Ikaanim ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas Abril 17, 1948 - Disyembre 30, 1953

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Nobyembre 16, 1890 Lugar na sinilangan: Vigan, Ilocos Sur Ama: Mariano Quirino Ina: Gregoria Rivera Maybahay: Alicia Syquia Mga Anak: Armando, Norma at Fe Araw ng kamatayan: Pebrero 29, 1955 Lugar kung saan namatay: Novaliches, Quezon City Edad nang mamatay: 65

Edukasyon     

Elementarya at Mataas na Paaralan Mababang Paaralan ng Aringay, La Union Mataas na Paaralan ng San Fernando, La Union Mataas na Paaralan ng Vigan, Ilocos Sur Mataas na Paaralan ng Maynila (1911)

Kolehiyo 

Batsilyer ng Abogasya, Kolehiyo ng Abogasya ng Pamantasan ng Pilipinas (1915)



Doktor ng Abogasya, honoris causa, Pamantasan ng Maynila noong Abril 17, 1948



Doktor ng Abogasya, honoris causa, Pamantasan ng Maynila noong Pebrero 12, 1949



Doktor ng Abogasya, honoris causa, Fordham University, New York noong Agosto 12, 1949

Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad 

May taguring Arkitekto ng Pambansang Ekonomiya.



Nagtrabaho bilang kawani sa Maynila Police Department upang matustusan ang pag-aaral.



Nagtrabaho sa Kawanihan ng Mga Lupain.



Personal na Kalihim ni pangulong Quezon, komisyonado ng Pilipinas at Senado.



Naging kinatawan ng Ilocos Sur sa Pambansang Asembleya.



Kinatawan ng Pilipinas sa International Bar Conference sa Peking, China noong 1921.



Dalawang pagkakataong nahalal na senador (1925 at 1945).



Hinirang na maging Kalihim ng Pananalapi noong panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon.



Kapanabay ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas noong panahon ng komonwelt.

 

Nanungkulan sa Panguluhan sanhi ng biglang pagkamatay ni Pangulong Roxas noong 1948.



Sa panahon niya tinambangan at pinatay ng mga Huk ang dating Unang Ginang Aurora Aragon Quezon.



Napanumbalik ang kapayapaan at katiwasayan ng bansa sa pagkalupig ng HUKBALAHAP sa tulong nang itinatalagang Kalihim ng Tanggulan ng bansa na si Ramon Magsaysay.



Sa panahon niya itinatag ang mga Bangko Rural at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ramon Magsaysay Ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1953 - Marso 17, 1957

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Agosto 31, 1907 Lugar na sinilangan: Iba, Zambales Ama: Exequiel Magsaysay Ina: Perfecta del Fierro Mga Anak: Teresita, Milagros at Ramon, Jr. Araw ng kamatayan: Marso 17, 1957 Lugar kung saan namatay: Bundok Manunggal, Cebu Sanhi ng Kamatayan: Bumagsak ang eroplano niyang sinasakyan Edad nang mamatay: 50

Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan Mababang Paaralan ng Castillejos Zambales Academy Kolehiyo Mechanical Engineering, Pamantasan ng Pilipinas (1927) Batsilyer ng Agham sa Komersiyo, Jose Rizal College (1932)

Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad 

Upang matustusan ang pag aaral ay nagtrabaho bilang tsuper ng dyipni at mekaniko sa kumpanya ng mga sasakyan na pag aari ng mga Ynagco, naging superbisor at kalaunan ay naging manager ng sangay nito sa Zambales.



Nagboluntaryong maglingkod sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.



Umanib kay Tenyente Koronel Thorpe noong 1942, bago pa man sumuko ang Batan.



Hinirang na Military Governor ni Heneral Douglas MacArthur sa Zambales.



Itinatag ang Puwersang Gerilya ng Kanlurang Luzon makaraang bumagsak ang Bataan at Corrigidor sa kamay ng mga Hapon.



Dalawang beses nahalal na Kongresista sa lalawigan ng Zambales.



Naging malaki ang bahagi sa pagkakapasa ng panukalang batas sa pagbibigay benepisyo ng Estados Unidos sa mga Pilipinong beterano sa digmaan at isa rito ang pagpapatayo ng Veterans Memorial Hospital.



Kalihim ng Kagawaran ng Pambansang Depensa noong 1950.



Matagumpay niyang nahikayat ang mga miyembro ng HUKBALAHAP na sumuko at magbalik sa pamahalaan.



Tumanggap ng Man of the Year Award noong 1951.

 

Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 1953).



Binuksan niya ang pinto ng Malacañang sa taumbayan.



Binuo ang President’s Action Committee (PCAC) bilang kanyang linyang tagapagpatupad ng pagtulong sa masa.



Binuksan ang mga pintuan ng Malacañang sa mga karaniwang tao upang ipahayag ang kanilang mga hinaing at suliranin.



Sa ilalim ng kanyang pamumuno binigyan ng pagkakataong mag-ari ng sariling lupa ang mga magbubukid ayon sa batas ng Land Reform Act of 1955.



Personal na sumuko sa kanya ang Supremo ng mga Huk na si Luis Taruc na naghudyat ng ganap na katahimikan ng bansa.



Tinawag na Kampeon ng Masa.



Higit niyang pinalawig ang paggamit ng Wikang Pambansa at ang pagsusuot ng Barong Tagalog.



Ayon kay Magsaysay ay nararapat na magkaroon ng higit na pagtangkilik ng batas ang mga dukha na salat sa buhay.

Carlos P. Garcia Ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas Marso 18, 1957 - Disyembre 30, 1961

Mga Personal na Tala: Araw ng Pagkasilang: Nobyembre 4, 1896 Lugar ng Sinilangan: Talibon, Bohol Ama: Policarpio Garcia Ina: Ambrosia Polistico Anak: Linda Garcia-Campos Araw ng Kamatayan: Hunyo 14, 1957 Sanhi ng Kamatayan: Atake sa puso Edad nang mamatay: 61

Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan Mababang Paaralan ng Talibon, Bohol Mataas na Paaralang Panlalawigan ng Cebu

Kolehiyo Pamantasan ng Siliman, Dumaguete City Batsilyer ng Abogasya, Philippine Law School (1923)

Mga Naging Programa 

Tinaguriang prinsipe ng Panulaan sa Bisaya at Makata ng Bohol



Dalawang taong nagturo sa Mataas na Paaralang Panlalawigan ng Bohol



Dalawang beses naging Kongresista na kumatawan sa Silangang Visaya (1941)



Naging gobernador ng Bohol mula 1932-1942



Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sumapi sa Guerila Forces na lumaban sa mga Hapon



Nahalal na Pangalawang Pangulo ni Ramon Magsaysay noong 1953



Naging Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayan Panlabas

 

Nanumpa bilang pangulo ng Pilipinas makaraan ang Araw ng Kamatayan ng Pangulong Magsaysay sa pagbagsak ng eroplanong sinasakayan nito noong Marso 18, 1957



Nahalal na pangulo ng Pilipinas sa opisyal na halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957



Nagpatupad ng patakarang "Pilipuno Muna" na ang layunin ay tangkilikin ang sariling gawa tulad ng mga produktong Pilipino, Wikang Pilipino, musika, arte, at lahat ng gawa ng mga Pilipino. Binigyan pansin din ng palatuntunan ang pagbibigay prayoridad sa mga Pilipino kaysa sa mga banyaga



Tinapos ang kasunduang Pagbabayad-pinsala ng Hapon na nagtatakda ng pagbabayad ng $550 milyon sa Pilipinas ng Hapon sa pinsalang tinamo ng bansa sa digmaan



Naging Pangulo ng 1971-1972 Consitutional Convention



Nahalal na pangulo ng Second Constitutional Convention noong Hulyo 11, 1971

Diosdado Macapagal

Ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Setyembre 28, 1910 Lugar na sinilangan: San Nicolas, Lubao, Pampanga Ama: Urbano Macapagal Ina: Romana Pangan Unang maybahay: Purita de la Rosa Ikalawang maybahay: Dra. Evangelina Macaraeg Mga anak kay Purita de la Rosa: Cielo at Arthur Mga anak kay Dra. Evangelina Macaraeg: Diosdado, Jr. at Gloria Araw ng kamatayan: Abril 21, 1997 Lugar kung saan namatay: Makati Sanhi ng kamatayan: Sakit sa puso, pulmonya at bato Edad nang mamatay: 87

Edukasyon        

Elementarya at Mataas na Paaralan Mababang Paaralan ng Lubao (1925) Mataas na Paaralan ng Pampanga (1929) Kolehiyo Associate of Arts, Pamantasan ng Pilipinas Iskolar, Philippine Law School Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Sto. Tomas (1936) Dalubhasa ng Abogasya (1941) Doktor ng mga Batas Pambayan (1947) Doktor ng Pilosopiya sa Ekonomiya (1957)

Mga Nagawang Programa 

Tinangkilik ng pilantropong si Honorio Ventura upang mag-aral ng Abogasya sa Pamantasan ng Sto. Tomas at naging bar examination topnotcher .



Naging miyembro ng Pambansang Lehislatura mula 1949-1957.



Naging katulong na abogado ni Pangulong Manuel Quezon.



Naging propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas.



Hepe ng Sangay ng Batas, Kagawarang Ugnayang Panlabas, (1946).



Kongresista, unang distrito ng Pampanga, dalawang beses nahalal, (1949-1953)



Noong 1951 ay naging tagapangulo ng Delegasyon ng Pilipinas sa United Nations Assembly sa Paris at tumutulong sa negosasyon ng mutual defense treaty sa Estados Unidos at tradadong pangkapayapaan sa Japan.



Katulong na nag-akda at nagpanukala ng pagsasabatas ng Batas Ukol sa Pinakamababang Pasahod, Batas Ukol sa mga Bangko sa Kanayunan at batas na nagsasabansa ng kalakal na bigas at mais.



Tagapangulo: Lupon ng Kongreso sa Ugnayang Panlabas.



Isa sa mga pinarangalan ng Sampung Pinakamahusay ng Kongresista ng Congressional Press Club, (1947-1957).



Tinawag na Kampeon ng Masa dahil sa pagmamalasakit sa mahihirap.



Tinanghal na Pinakamahusay na Mambabatas ng Ikatlong Kongreso.



Naging Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong 1957.

 

Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1961.



Dahil sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa katiwalian ay umani siya ng taguring The Incorruptible.



Ipinasa ng Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan (Republic Act No. 3844) noong Agosto 8, 1963.



Nakatulong sa pagbuo ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia), na hinalinhinan ng ASEAN noong 1963.



Nakatulong sa pagpapalit ng Araw ng kalayaan ng Pilipinas mula Hulyo 4 tungo sa Hunyo 12.



Nahalal na tagapangulo ng Kapulungang Konstitusyonal, (1971-1972), makaraang mamatay si dating Pangulong Carlos P. Garcia.



Siya ang nagpasimuno na angkinin ng Pilipinas ang Sabah mula sa Malaysia.

Ferdinand Marcos

Ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1965 – Pebrero 25, 1986

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Setyembre 11, 1917 Lugar na sinilangan: Sarrat, Ilocos Norte Ama: Mariano Marcos Ina: Josefa Edralin Maybahay: Imelda Romualdez Mga anak: Maria Imelda, Ferdinand, Jr. at Irene Araw ng kamatayan: Setyembre 28, 1989 Lugar kung saan namatay: Honolulu, Hawaii Edad nang mamatay: 72

Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan 

Paaralang Sentral ng Sarrat



Mababang Paaralan ng Shamrock sa Laoag



Mababang Paaralan ng Ermita



Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Pilipinas, (1933). Kolehiyo



Malayang Sining, Pamantasan ng Pilipinas, (1936).



Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Pilipinas.

Mga Nagawang Programa                            

Nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong pamantasan. Komandante ng Batalyon, may ranggo na kadete mayor at puno ng koponan ng riple at pistola ng Pamantasan ng Pilipinas. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis. Naakusahang nakipagsabwatan sa pagpatay kay Kinatawan Julio Nalundasan, kalaban sa pulitika ng ama noong 1938. Naging topnotcher sa bar examinations noong Nobyembre 1939. Ipinagtanggol ang sarili sa kasong pagpatay sa harap ng Korte Suprema na nagpawalang-sala sa kanya noong Nobyembre 1940. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasama sila sa Death March at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng giyera sa Fort Santiago at Capas, Tarlac. Naging tenyente rin siya na nangasiwa sa pangangalaga ng impormasyon, ika-21 sangay ng USAFFE. Tatlong beses nahalal na kongresista ng Ilocos Norte, (1949, 1953 at 1957). Sa edad na 32, siya ang pinakabatang miyembro ng kapulungang minorya. Senador (1959), ang kaunaunahang kandidato ng minorya na nanguna sa pagkasenador; pinuno ng kapulungang minorya, pangulo ng senado (1936). Pangulo ng Republika ng Pilipinas, (Nobyembre 1965). Pinasikat niya ang islogang “Magiging Dakilang Muli ang Bansang ito”. Muling nahalal para sa apat na taong panahon (1969); ang kauna-unahang muling nahalal sa kapulungann sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagpagawa ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge. Sinuspende niya ang Writ of Habeas Corpus noong Agosto 21, 1971 matapos bombahin ang rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda. Ipinatupad ang Batas Militar at sinuspende ang 1935 Konstitusyon (Setyembre 21, 1972). Iprinoklama niya ang 1973 Konstitusyon na naglalayong palawigin ang kanyang pamamahala hanggang sa pagtatapos ng pag-iral ng Base Militar. Sa panahon ng Batas Militar ay sumikat ang Bagong Lipunan. Kauna-unahang Punong Ministro sa balangkas ng pamahalaang uring parliyamentaryo. Nilagdaan niya ang pagpapawalang bisa ng Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045. Muling nahalal na pangulo sa anim na taong panahon makaraang magwakas ang Batas Militar. Tumawag ng isang snap election sa pagkapangulo noong Pebrero 7, 1986 at nanalo kay Cory Aquino sa kabila ng malawakang dayaan at karahasan. Pinatalsik ng makasaysayang People’s Power noong Pebrero 25, 1986. Tumakas at napatapon sa Hawaii, U.S.A. Ibinalik ang bangkay sa Pilipinas noong 1992.

Corazon Aquino

Ikalabing –isa at Unang Babaing Pangulo ng Republika ng Pilipinas Pebrero 26, 1986 – Hunyo 30, 1992

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Enero 25, 1933 Lugar na sinilangan: Maynila Ama: Jose Cojuangco Ina: Demetria Sumulong Asawa: Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. Mga anak: Maria, Aurora, Benigno III, Victoria at Kristina Araw ng kamatayan: Agosto 1, 2009 Lugar kung saan namatay: Makati Sanhi ng kamatayan: Kanser sa bituka Edad nang mamatay: 76

Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan   

St. Scholastica College Akademya ng Ravenhill sa Philadelphia, Estados Unidos Kumbentong paaralan ng Notre Dame sa New York Kolehiyo

  

Batsilyer ng Sining, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent sa New York (1953) Doctor of Humanities, honoris causa, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent, New York; Pamantasan ng Ateneo de Manila at pamantasan ng Xavier sa Pilipinas Doctor of Humanities, honoris causa, Pamantasan ng Boston, Pamantasan ng Fordham, pamantasan ng Waseda (Tokyo), Pamantasan ng Far Eastern at Pamantasan ng Santo Tomas, Honoris Causa, Kolehiyo ng Stonehill (Masachusetts)

Mga Nagawang Programa 

Matapos makapangalap ng isang milyong signature ang mga kakampi ay saka lang siya napapayag na labanan si Marcos sa Snap Election noong Pebrero 7, 1986.

 

Iniluklok bilang Pangulo ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986 dahil sa makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay marcos sa posisyon.



Pinanumpa ni Hukom ng Korte Suprema Claudio Teehankee bilang pangulo ng Pilipinas.



Nagpatupad ng rekonsilyasyon at pinalaya ang mga bilanggo ng New People’s Army at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines.



Nagpabalik ng pampanguluhang balangkas ng pamahalaan.



Nagdaos ng isang pambansang plebisito upang pagtibayin ng bayan ang mga susog sa Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 2, 1987.



Tinanghal na Babae ng Taon ng Time Magazine.



Ginawaran ng Gawad Eleanor Roosevelt para sa Karapatang Pantao.



Napingasan ang pagtingin ng taumbayan kay Cory dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya ng uhaw sa paghihiganti kay Marcos.



Nagkaroon ng anim na malalaking coup d’ etat na nais magpatalsik sa kanyang pamahalaan na ang pinakamadugo ay naganap noong 1987 at 1989.



Nakaranas ng malaking problema at kalimidad sa panahon niya tulad ng lindol noong Hulyo 16, 1990; bagyong Rufing at pagtaas ng presyo ng langis bunga ng giyera sa Gitnang Silangan at pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991.

Fidel Ramos

Ikalabindalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 1992 – Hunyo 30, 1998

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Marso 18, 1928 Lugar na sinilangan: Lingayen, Pangasinan Ama: Atty. Narciso Ramos Ina: Angela Valdez Maybahay: Amelita “Ming” Martinez Mga anak: Angelina, Josephine, Carolina, Christine at Gloria

Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan Padilla Elementary School Kolehiyo Philippine Military Academy, (1947) U.S. Military Academy, West point, New York, United States, (1950) Civil Engineering Masteral Degree, University of Illinois (1951) Associate Infantry Company Officer’s Course Fort Benning, Georgia MBA, Pamantasan ng Ateneo de Manila

Mga Nagawang Programa 

Ipinadala ng Pilipinas sa aktibong serbisyo sa digmaang Korea (1950-1953) at Digmaang Vietnam (1959-1975).



Siya ang nagtatag ng Special Forces ng Hukbo ng Pilipinas.



Naging Hepe ng Philippine Constabulary, na kilala ngayon bilang Philippine National Police o PNP.



Hinirang na Vice Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa loob ng limang taon sa administrasyong Marcos.



Naglunsad ng Philippines 2000 na ang layunin ay mapaunlad ang bansa.



Sampung taong nagsilbi bilang Puno ng Intelligence Services ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at Deputy Chief of Staff para sa Home Defense Activities.



Kasama ang Ministro ng Depensa Juan Ponce Enrile, iniurong nila ang kanilang suporta at nakiisa kay Corazon Aquino at sa People Power Movement noong Pebrero 22, 1986.



Naging Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines noong 1986.



Naging kinatawan ng Pilipinas sa Third ASEAN Conference sa bansang Malaysia noong 1969 at sa Ministerial Conference ng ASEAN sa Kuala Lumpur.



Kalihim ng Gabinete, Department of National Defense, (Enero, 1988).



Pangalawang Tagapangulo, Pangrehiyong Pagpapaunlad ng Rehiyon 9.

 

Nahalal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992.



Upang wakasan ang paghihimagsik ng rebeldeng Komunista at Muslim ay binuo ang Komisyon sa Pambansang Pagkakaisa.



Nakamit ang isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front ni Nur Misuari.

Joseph Estrada

Ikalabintatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001

Mga Personal na Tala sa Buhay Popular na pangalan: Joseph “Erap” Estrada Araw ng pagkasilang: Abril 19, 1937 Lugar na sinilangan: Tondo, Maynila Ama: Engr. Emilio Ejercito Ina: Maria Marcelo Maybahay: Dra. Luisa “Loi” Pimentel Mga Anak: Jinggoy, Jacqueline at Jude

Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan Tondo, Maynila San Juan, Metro Manila Kolehiyo Pamantasan ng Ateneo de Manila Mapua Institute of Technology, Manila Doktor ng Humanities, honoris causa, Pamantasan ng Pangasinan, (1990)

Mga Nagawa at Programa                    

    

Nang tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo sa edad na 21 ay nagsimula bilang aktor sa pelikula noong 1950 at nakagawa ng mahigit sa 120 pelikula. Ginawaran ng Ten Outstanding Young Men (TOYM) para sa Paglilingkurang Pambayan, iginawad ito ng Philippine Jaycees noong 1972. Naluklok sa Hall of Fame ng FAMAS matapos makamit ang pinakamataas na karangalan bilang Pinakamahusay na Aktor at Prodyuser ng Pinakamahusay na Pelikula noong 1981 at 1984. Naging Alkalde ng bayan ng San Juan, Metro Manila sa loob ng 17 taon na sumakop sa panahong 1969-1986. Nanalo bilang Senador sa pambansang halalan noong 1987. Pinarangalan bilang isa sa tatlong Pinakamahusay na Senador ng Taon ng Philippine Free Press Magazine noong 1989. Tagapangulo, Mga Lupon ng Senado sa pagpapaunlad sa Agrikultura, Rural Development at Public Works. Naging Pangalawang Tagapangulo sa mga Lupon ng Kalusugan, Likas-Yaman at Ekolohiya at Pagplaplano ng Lungsod. Isa sa mga senador na bumoto upang wakasan ang kasunduang Base Militar ng Pilipinas at Estados Unidos noong 1991. Pinasikat ang islogang “Erap para sa Mahirap”. Nahalal na Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992. Tagapangulo ng Presidential Anti-Crime Commission. Tagapagtatag at Pangulo, Movie Workers Welfare Foundation, Inc. Napiling maging Gobernador ng Film Academy of the Philippines. Tagapayo, Samahan ng mga Prodyuser ng Pelikula sa Pilipinas (PMPPA). Tagapagtatag at Pangulo, ERAP Para sa Mahirap Foundation. Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998. Kaunaunahang Pangulo na isinakdal dahil sa pagmamalabis sa tungkulin dahil sa pagkakasangkot sa ilang ilegal na gawain noong Nobyembre 13, 2000. Sapilitang pinaalis sa tungkulin dahil na rin sa pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan, pagtalikod ng mahahalagang miyembro ng kanyang gabinete, paglipat ng suporta ng mga mahahalagang opisyal ng military sa kanyang kalaban na naging sanhi ng tagumpay ng People Power Revolution noong EDSA II. Inaresto noong Abril 25, 2001 habang nililitis ang kanyang mga kaso. Kasalukuyang nasa ilalim ng House Arrest sa kanyang bahay sa Tanay, Rizal hanggang siya ay pinatawad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Siya ay tumakbong muli sa pagka pangulo ng Pilipinas noong Mayo 2010 ngunit pumangalawa lang siya kay Noynoy Aquino. Pagkatapos ng election, inihayag niya na ibebenta niya ang kanyang 3,000 metro kwadradong bahay niya sa San Juan sa halagang 300 million pesos para ipagpatuloy ang kanyang negosyo sa “Real State”. Si Joseph Estrada ay nakapagpatayo na ng dalawang matataas na condominium at nagbabalak pang magpatayo ng isa.

Gloria Macapagal Arroyo

Ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas Enero 20, 2001 – June 31, 2010

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Abril 5, 1947 Lugar na sinilangan: San Juan, Rizal Ama: Diosdado Macapagal, Sr. Ina: Evangelina Macaraeg Asawa: Atty. Jose Miguel T. Arroyo Mga Anak: Juan Miguel, Evangelina Lourdes at Diosdado Ignacio

Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan 

Kumbento ng Assumption Kolehiyo



Bachelor of Science in Commerce, Assumption Convent (1968).



Bachelor of Arts in Economics, Georgetown University, Washington, D.C.



UPSE Fellowship (1970-1971).



Japan Foundation Grant, (1976-1977).



Master of Arts in Econimics, Ateneo de Manila University (1978).



Rockefeller Foundation, Scholarship (1978-1983).



PhD in Economics, Pamantasan ng Pilipinas (1985).

Mga Nagawa at Programa                 

   

Nagturo sa Maryknoll College (Ngayo’y Miriam College), St. Scholastica College, Ateneo de Manila University at Paaralan ng Ekonomiya ng Pamantasan ng Pilipinas. Naging Tagapangulo ng Kagawaran ng Ekonomiya ng Kolehiyo ng Assumption (1984-1987). Naging Tagapangulo at Pangulo, UP Health Maintenance Organization (UPHMO), (1989-1998). Tagapangasiwang Patnugot, Sentro sa Pagpapaunlad ng Ekonomiya ng Pilipinas (PCED), (19941998). Tagapangulo, UPEcon Foundation, (1994-1998). Noong 1987, siya naatasan ni Cory bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote bilang Undersecretary pagkatapos ng dalawang taon. Tagapangasiwang Patnugot, Lupon ng mga Kasuotan at Tela. Pangalawang Kalihim at Gobernador, Lupon ng mga Pamumuhunan, (1986). Nagsimula sa serbisyo publiko nang mahirang na Assistant Secretary ng Department Trade and Industry noong 1989 hanggang 1992. Nanguna nang kumandidatong Senadora noong 1992 at 1995. Nanungkulan bilang Secretary ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng pamahalaan ni Joseph Estrada. Tinanghal na Outstanding Senator ng Trade Congress Union ng Pilipinas. Binigyang taguri ng Asiaweek Magazine bilang “Isa sa Pinakamakapangyarihang Babae sa Asya”. Pinarangalan din bilang “Woman of the Year” ng Samahan ng mga Katolikong Guro ng Pilipinas. Inihalal na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998. Noong Enero 20, 2001, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang suporta para kay Estrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon sa EDSA ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr. Umani ng batikos ang kanyang pamahalaan sa pagkampi kay Pangulong George Bush ng Estados Unidos nang magdeklara ito ng giyera laban sa bansang Iraq. Humarap sa isang fiscal crisis ang kanyang pamahalaan makaraan ang patuloy na pagtaas ng langis sa pandaigdigang pamilihan at patuloy na pagbagsak ng ekonomiya. Sa ilalim ng kanyang panungkulan naganap ang panghu-hostage sa truck driver na si Angelo dela Cruz at accountant na si Robert Tarongoy sa Iraq gayundin ang United Nations volunteer na si Angelito Nayan sa Afghanistan. Hinarap din ng kanyang administrasyon ang malaking pinsala ng bagyong Uding, Violeta, Winnie at Yoyong na nagdulot ng dagling pagbaha at malawakang pagkasira ng mga pananim at imprastruktura sa maraming lalawigan tulad ng Aurora, Catanduanes, Quezon, Bulacan at Nueva Ecija.

Noynoy Aquino

Ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hulyo 1, 2010 - Kasalukuyan

Mga Personal na Tala sa Buhay Araw ng pagkasilang: Pebrero 8, 1960 Lugar na sinilangan: Manila Ama: Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. Ina: Corazon S. Cojuangco Status: Binata Mga kapatid: Maria Elena “Balsy”, Aurora Corazon “Pinky”, Victoria Eliza “ Viel” at Kristina Bernadette “Kris”.

Edukasyon Elementarya at Mataas na Paaralan Ateneo de Manila University Kolehiyo Bachelor of Arts in Economics, Ateneo de Manila University, 1981.

Mga Nagawang at Programa        

    

   

Pagkatapos ng kolehiyo siya ay sumunod sa kanyang pamilya sa Boston, Estados Unidos. Noong 1983, ilang sandali lamang matapos ang pagpatay sa kanyang ama, si Noynoy ay nagkaroon ng isang maikling panahon ng panungkulan bilang isang miyembro ng Philippine Business for Social Progress. Mula 1985-1986, siya ay retail sales supervisor at youth promotions Assistant para sa Nike Philippines at naging isang Assistant for Advertising and Promotions din para sa Mondragon Philippines. Noong 1986, siya ay sumali sa Intra-Strata Assurance Corp. bilang Bise-Presidente ng korporasyon na pag-aari din ng kanilang pamilya. Siya rin ay naging Bise-Presidente at Ingat Yaman para sa Best Security Agency Corporation (19861993) at Executive Assistant para sa pangangasiwa, (1993-1996). Fields Service Manager para sa Central Azucarera tarlac, (1996-1998). Inihalal si Aquino sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong 1998, na kumakatawan sa 2nd District ng Tarlac. Siya ay nanalong muli sa halalan noong 2001 at 2004 at nagsilbi hanggang 2007. Si Aquino ay isa sa nangungunang kasapi ng Liberal Party. Siya ang Vice Chaiman ng Partido Liberal mula noong Marso 17, 2006 hanggang sa kasalukuyan. Siya ay dati ng Secretary General ng partido (1999-2002), Bise-Presidente ng Luzon Liberal Party (2002-2004) at ang Secretary General ng partido (2004-16 Marso 2006). Si Aquino ay kasama rin sa isang pangkat ng Liberal Party na tumututol sa pamahalaan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dahil na rin sa di-umano’y paglabag ng gobyerno sa karapatang-pantao. Si Aquino ay Deputy Speaker din mula ika-8 ng Nobyembre 2004 hanggang ika-21 ng Pebrero 2006. Nagtamo si Aquino ng higit sa 14.3 million votes upang maging pang-anim sa 37 na kandidato para sa 12 bakanteng posisyon sa Senado ng halalang iyon. Nagsimula ang kanyang panungkulan noong Hunyo 30, 2007. Nang mamatay ang dating Pangulong Corazon Aquino, umabot sa rurok ang tawag kay Noynoy para tumakbo sa pagka-pangulo. Noong Setyembre 9, 2009, 40 na araw matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, opisyal na inihayag ni Noynoy ang kanyang plano para sa pagkapngulo sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, kung saan ay nagsilbi din ang lugar na Presidential Inaugural Site ng kanyang ina noong 1986. Si Noynoy ay nahalal bilang Presidente ng Republika ng Pilipinas noong Mayo 10, 2010. Sa kanyang kampanya nangako siyang lilinisin niya ang korapsyon at wawakasan ang kahirapan at aalisin ang mga ilegal na sugal. Si Benigno Simeon C. Aquino III ay kaisa-isang anak na lalaki ni dating Presidente Corazon Aquino at dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at siya rin ang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na binata.